487
Poe matatag sa No. 1 sa Pulse Asia survey; oposisyon kulelat
By

Poe matatag sa No. 1 sa Pulse Asia survey; oposisyon kulelat

Nangunguna pa rin sa pinakapinipiling kandidato sa pagka-senador si Senadora Grace Poe, ayon sa pinakabagong survey ng Pulse Asia.

Nakakuha si Poe 67.5 percent voter preference habang ang kasunod niyang si Senadora Cynthia Villar ay may 61 percent voter preference.

Magkasama naman sa third hanggang 5th spot sina Bong Go (53%) at Sonny Angara (52.2%).

Pasok din sa Magic 12 sina Lito Lapid (49%), Taguig Rep. Pia Cayetano (47%), Ronald dela Rosa (44.6%) at Senadora Nancy Binay (40.5%).

Samantala, tanging si dating Interior Secretary Mar Roxas lang ang kandidato sa oposisyon ang pumasok sa Magic 12 sa 39.8% voter preference.

Umaaligid din sa “Magic 12” sina Bong Revilla (36.8%), Imee Marcos (36%) at Koko Pimentel (35.6%).

Isinagawa ang survey noong Pebrero 24-28.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?