107

By

Poe kay Tugade: Magpaliwanag ka sa aberya ng MRT

Pinalalantad ni Senator Grace Poe si Transportation Secretary Arthur Tugade para magpaliwanag kaugnay ng mga aberyang nangyayari sa operasyon ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3).

Binigyang-diin ng senadora na matindi na ang problema sa MRT-3 kaya ang kalihim na ang dapat nagsasalita at hindi lang ang mga nakabababa ritong opisyal.

“Dapat sagutin na mismo ng ating kalihim ng DOTr (Department of Transportation) at hindi lang ng kanyang mga Usec. Sabihin niya ano bang mga hakbang nila at tunay bang ligtas ito at hindi naman namin isusugal ang buhay natin o ng mga mahal natin na pamilya,” sabi ni Poe sa isang panayam sa telebisyon.

Una nang iminungkahi ni Poe na pag-aralan na ng Department of Transportation (DOTr) ang temporary shutdown ng operasyon ng MRT dahil sa sunod-sunod na probema nito.

Puwede aniyang sa weekend sarhan pansamantala ang MRT para masuri nang husto ang lahat ng tren, lahat ng mga riles at lahat ng istasyon ng tren.

Mabigat na desisyon umano ito na nangangalangan na ng boses at desisyon ng kalihim ng DOTr.

“Hindi sapat na iklian ang oras. Siguro kasi kailangan inspeksyunin mga iles, may mga crack na ba yan? Hindi lamang mga bagon. Marami talaga

Kung sasarhan ang MRT kapag araw ng Sabado o Linggo para sa pagkukumpuni at inspeksyon, sinabi ni Poe na kailangang handa ang mga point-to-point bus.

Wala pa naming balak ang senadora, na chairman ng Senate committee on public servives, na magpatawag ng pagdinig ukol sa mga problema sa MRT dahil mas gusto niyang makakita ng aksyon ng DOTr kaysa makarinig ng mga pangako at buladas.

“Ang pagdinig sa Senado marahil sa darating na taon na lamang para i-assess ang mga naging hakbang nila. Kasi ang problema sa hearing, nagpapa-pogi or minsan hindi nagsasabi ng totoo,” pahayag ni Poe.

“Lahat ng sinabi nilang pangako sa rehabilitasyon ay halos napapako kaya dapat makita kung ano ba talagang gagawing hakbang ngayon,” dagdag ng senadora. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?