229
GRACE-POE---BONG-GO

Poe, Go swak sa Top 12; JV nalaglag

Nanatili ang kapit nina Grace Poe at Bong Go sa second at third spot habang nawala naman sa Top 12 si JV Ejercito sa bagong labas na partial and unofficial result ng Commission on Elections.

Nakakuha si Poe ng 20,734,104 votes, may 19,060,705 naman si dating presidential top aide na si Go. Kuha naman ni Cynthia Villar ang top spot sa 23,648,977.

Nasa fourth spot naman si Pia Cayetano na may 18,502,249, may 17,540,224 naman ang dating PNP chief na si Bato dela Rosa.

Si Sonny Angara ay may 17,031,508, si Lito Lapid naman ay nakakolekta ng 17,031,508 habang ang Ilocos Norte governor na si Imee Marcos ay may 13,863,695.

Nakakuha naman ng 14,408,840 boto si Francis Tolentino, sumuporta ang 13,654,956 botante kay Nancy Binay habang kinumpleto nina Koko Pimentel na may 13,640,876 at may 13,568,106 si Bong Revilla.

Kasama si Ejercito sa unang tally sa top 12, ngunit nalaglag ito ngayon sa 13th spot sa 13,413,548 boto.

May 13,311,795 si Otso Diretso bet Bam Aquino, 10,630,075 kay Jinggoy Estrada at 9,242,949 kay Mar Roxas.

Nasa 90.57% na ang election result na pumasok habang may nasa 20 milyon pang boto ang hindi pa nabibilang. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?