75

By

Poe, Go, Dela Rosa magkakasama sa NPC?

Sharing is caring!

Magandang halo ng mga baguhan at re-electionist ang matunog na magdadala ng senatorial slate ng Nationalist People’s Coalition (NPC) para sa 2019 polls.

Ayon sa news site na Politiko, pangungunahan ang partido ng mga muling nagnanais ng senatorial seat na si Grace Poe, nangunguna sa Pulse Asia survey, kasama sina JV Ejercito, Sonny Angara, Nancy Binay, maging ang mga balak muling makaentra sa Senado na sina Lito Lapid at Pia Cayetano.

Para naman sa mga bagong salta sa eleksyon, sasalo sina Bureau of Corrections chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa pati na rin ang Special Assistant to the President na si Christopher ‘Bong’ Go, na parehong kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Makakakuha rin umano ng suporta ang mga pambato ng NPC mula sa Senate majority bloc.

Ayon din sa source ng Politiko, maghahanap pa ng ibang kandidato ang NPC para mabuo ang kanilang senatorial slate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?