52

By

Poe, Ejercito, Lapid pambato ng NPC sa Senado

Sharing is caring!

Garantisado nang magiging kandidato ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa pagka-senador sina Senadora Grace Poe, Senador JV Ejercito at dating Senador Lito Lapid.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, 100 porsyento na itong sigurado.

Nanumpa kanina si Ejercito bilang kasapi ng NPC habang noong nakaraang linggo nanumpa si Lapid.

Itinuturing naman na honorary member ng partido si Poe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?