183

Jun 20, 2019 @ 20:41
By

Poe: Eddie Garcia, tapat at mabuting kaibigan ni FPJ

Isa si Senadora Grace Poe sa nalungkot sa pagpanaw ng beteranong aktor na si Eddie Garcia nitong June 20.

Naging tapat at mabuting kaibigan aniya si Garcia ng kanyang amang si Fernando Poe Jr., at sa kanilang pamilya.

Kabilang din aniya si Manoy sa mahahalagang haligi ng industriya.

“Isa kang mahalagang haligi ng industriya at naging isang tapat at mabuting kaibigan sa aking ama at sa aming pamilya. We will miss you dearly. You and your family are in our prayers,” tweet ni Poe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?