424

Feb 26, 2020 @ 12:01
By

Poe: Cheap ang mga banat ni Cayetano!

Sinagot ni Senadora Grace Poe ang mga patama ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa Senado na kaya lang umano pinag-uusapan ang ABS-CBN franchise renewal ay gusto lang ng ilang mambabatas na sumipsip sa TV network.

Ayon kay Poe, na nagsulong ng nasabing Senate hearing bilang Senate Public Services Committee chair, ‘cheap’ umano ang mga banat ni Cayetano at pinapababa umano ng House Speaker ang lebel ng debate sa Mataas na Kapulungan.

“You know when I deal with counterparts from the House, at least, me personally and I think many of my colleagues, we try to maintain a level of respect and decorum because name-calling cheapens the debate,” ayon kay Poe sa panayam sa ANC.

“When you start name-calling, kung gumagamit ka ng mga salitang ganon, ibig sabihin nawawalan ka ng basehan para sa tamang argumento,” aniya pa.

Matatandaan na hindi kumbinsido si Cayetano sa pagdinig ng Senado sa ABS-CBN franchise renewal dahil para sa kanya, dapat ay dumaan muna ito sa Kongreso bago pag-usapan sa Senado.

Ngunit nilinaw naman ni Poe na hindi naman sila maglalabas ng committee report hangga’t hindi ito naipapasa sa Kongreso.

“You know, Speaker Cayetano is a very intelligent politician and he’s been a lawmaker for many years, he should know that it’s in the Constitution that grants both houses the right for oversight. Section 6 Article 21 allows us to conduct hearings in aid of legislation and to find out if the franchise holders are compliant with the agreements that they have with the government,” paliwanag ng senadora.

“I don’t know why they would think this is something out of the ordinary, we’ve conducted hearings with the budget and as well as taxes either simultaneously or ahead of the House.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?