64
Poe ayaw nang tumakbo sa pagka-pangulo
By

Poe ayaw nang tumakbo sa pagka-pangulo

Isinantabi na ni Senadora Grace Poe ang posibilidad na muli siyang tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022.

Sa isang panayam naitanong kay Poe kung kinokonsidera ba nitong sumabak muli sa presidential elections sa 2022, sinabi nitong nabigyan na siya ng pagkakataon noon at natalo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa 2016 elections.

Kahit naman umano sa Senado ay marami rin naman siyang puwedeng maitulong.

Layon ni Poe ang panibagong termino sa Mataas na Kapulungan sa darating na May 13 elections.

Naitanong ito kay Poe matapos sabihin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang posibilidad na pagsunod ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa yapak ng ama nitong si Pangulong Duterte gaya nina dating Pangulong Gloria Arroyo at Benigno Aquino III.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?