46

May 11, 2019 @ 16:50

Poe, Aquino, Binay suportado ng ilang environmental group

Ilang environmental group ang suportado sina Senador Bam Aquino, Senadora Grace Poe at Senadora Nancy Binay dahil sa posisyon ng mga ito na huwag alisin ang pagbabawal sa pagsusunog ng mga basura sa environmental law.

Sa pre-election survey na isinagawa ng EcoWaste Coalition, No Burn Pilipinas at Green Thumb Coalition, naitanong sa mga senatorial aspirant kung suportado ba ng mga ito o hindi ang panukala na tanggalin ang incineration ban sa Clean Air Act (RA 8749) o iyong pagsusunog ng basura.

“We are encouraged and energized by the positions of some senatorial bets on keeping the incineration ban intact, which surely is a boost to our advocacy. We need many strong voices at the Senate, as well as in the House of Representatives, to preserve and uphold the waste incineration ban –- an essential resource conservation and pollution prevention law –- amid undying threat to have it repealed,” ani Glenn Ymata, campaign manager ng No Burn Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?