15

Nov 23, 2021 @ 15:33
By

POC papagitna sa sigalot ni Obiena, Patafa

Aatasan umano ng Philippine Olympic Committee (POC) ang kanilang ethics committee na magsagawa ng imbestigasyon sa namumuong alitan nina EJ Obiena at ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

Ayon kay POC chief Bambol Tolentino, ‘di gaya ng pagsasawalang-bahala ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pangyayari, ang kanyang ahensya ay papagitna kina Obiena at sa Patafa.

“Since the PSC is the source of funds, it could have easily—under its mandate—intervened and corrected the same from the very beginning,” saad ni Tolentino. “But we in the POC will be steadfast and for the sake of Olympism and impartiality, will go into the details and investigate the matter.”

Ikinalulungkot din umano ng POC na dahil lang sa sigalot ay nag-iisip ngayon si Obiena ng posibilidad na magretiro, sa edad na 26.

“We are in deepest regret to realize that one of our Olympians, multi-medalist and great inspiration Ernest John Obiena of athletics, to be involved in this squabble with his home federation,” wika pa ni Tolentino.

“I am very disappointed. They could have handled the situation internally absent of any misfires from both parties. A bountiful career is now in peril.”

Matatandaang pinaratangan ng Patafa ang pole vaulter nang ‘di maayos na pag-liquidate sa allowance nito maging sa ‘di pagpapasahod sa kanyang coach, na agad namang itinanggi ni Obiena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?