15
ramon-ang
By

POC humakot ng P50 milyon kay RSA

Sharing is caring!

Sorpresang pinaulanan ni San Miguel Corporation president at chief operating officer Ramon S. Ang sa kanyang opisina sa Mandaluyong City kahapon ng donasyong P50-milyon ang kaban ng Philippine Olympic Committee.

Pero mas nagulantang ang mga tumanggap na sina POC officials Victorico Vargas (president) at Patrick Gregorio (secretary general) dahil sa ang naunang pangako ni Ang na P20M lumaki pa sa nadoble.

Nakamiron sa okasyon si SMC sports director Alfrancis Chua.

“I was pleasantly shocked and momentarily speechless”, bulalas ni Vargas. “We really didn’t expect this. The P20-M was already generous, but the additional P30-M really highlights the commitment of San Miguel and Mr. Ang to Philippine sports. I am beyond grateful.”

Para sa mga proyekto ng POC magugugol ang limpak na halaga.

Binigkas ni Ang sa POC officers ang kahandaan niyang maging ninong sa sport sa paniwalang mahalaga ang sports sa pagbalangkas sa karakter ng isang tao at ng bansa.

Hinirit naman ni Chua na nirekomenda niya sa kanyang boss ang dagdag-pondo dahil sa paniwala sa kredibilidad nina Vargas at Gregorio na mga kasama rin niya sa Philippine Basketball Association.

Agad ding inatasan ni Vargas si Gregorio kasama sina bagong nombrang POC general manager Art Aro at communications director Edgar Genaro Picson kung anong mga sport ang aayudahan mula sa nakuhang pondo ng POC sa sektor ng korporasyon. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?