65
pusher-dead-body
May 8, 2018 @ 17:55
By

PO1 patay sa pananambang sa Sorsogon

Nasawi ang isang bagitong pulis nang ambusin ng mga hinihinalang limang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Naspi, sa lalawigan ng Sorsogon.

Kinilala ang biktima na si Police Officer 1 Darwin Borsil, na nakatalaga sa Castilla Municipal Police Station (MPS).

Patungo sana si Borsil sa Castilla MPS sakay ng kanyang motorsiklo nang harangin ng limang ‘di pa kilalang mga armado sa highway dakong alas- 5:50 ng hapon ng Lunes.

Namatay sa crime scene ang biktima matapos siyang paulanan ng bala.

Tumakas naman patungo sa mabundok na lugar ang mga salarin.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dating village chairman si Borsil bago ito pumasok sa pagka-pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?