15

Sep 16, 2021 @ 15:53
By

PNVF Champions League ipaparada sa Nobyembre

Niluluto ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang Champions League sa Nobyembre.

Sa naturang liga ay may hiwalay na torneo para sa women’s at men’s volleyball, kung saan ang kababaihan ay magbabakbakan sa Nobyembre 13 hanggang 19, samantalang ang kalalakihan ay sa Nobyembre 20 hanggang 26.

Sa virtual meeting na inorganisa ni PNVF President Tats Suzara, anim na koponan ang kanilang inimbitahan mula sa Premier Volleyball League (PVL) para lumahok sa Champions League.

Ito ay ang Chery Tiggo, F2 Logistics, Petro Gazz, Sta. Lucia, Cignal HD at Black Mamba – Army.

May inimbitahan ding koponan mula sa Baguio at Iligan City.

“It is also one of the PNVF’s 10-point agenda which is to serve Filipino families with entertainment through volleyball and to make volleyball a widely played sport by elevating it through high-performance competition,” ani Suzara.

Ang mga siyudad ng Laoag, Lipa at Tagaytay ang mga tinitingnang posibleng pagdausan ng Champions League sa isang semi-bubble format.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?