75

Aug 24, 2019 @ 11:00
By

PNR nakapreno dahil sa ulan

Dahil sa matinding baha, pansamantalang hininto ang operasyon ng Philippine National Railways (PNR) mula Alabang hanggang Tutuban at vice-versa, ngayon, Agosto 24.

Ayon kay PNR Operations Manager Joseline Geronimo sa ulat ng DZMM Teleradyo, nasa 24 pulgada na ang lalim ng baha sa may EDSA station ng Magallanes, Makati.

Alas-nuwebe ng umaga nang itigil ang operasyon ng PNR, dagdag ng opisyal.

Nagka-aberya rin umano ang isa pang tren sa bahagi ng Pedro Gil, Manila kaning alas-diyes ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?