120
Abante-TnT-2-graduates-ng-PNPA-na-biktima-ng-pambubugbog-nagsampa-na-ng-kaso
By

PNPA, nakitaan ng pagkakamali sa ‘bugbog’ isyu sa graduates

May limang pagkukulang ang Philippine National Police Academy (PNPA) kaya naganap ang pambubugbog sa anim na bagong graduates ng PNPA Maragtas Class of 2018 noong Marso 21, na mismong araw ng graduation.

Base sa resulta ng imbestigasyon na ginawa ng binuong board of inquiry ng Philippine Public Safety College (PPSC), ang maliit na grupo ng mga kadete na nambugbog ay lumalabas na walang disiplina, hindi rin agad naaresto at naisailalim sa inquest proceeding.

Sa imbestigasyon, lumalabas na walang problema sa bagong police inspectors na mabugbog ng kanilang mismong underclass.

Kulang din daw ng uniformed personnel na nagbabantay sa mga aktibidad ng mga kadete at hindi rin nakakapasok ang security guards sa mga dormitoryo ng PNPA.

Sinabi ni Dr. Romeo Magsalos, National Police College Director at Chairman ng binuong board of inquiry, na dahil sa mga pagkukulang na ito ay may rekomendasyon na ang PPSC board of trustees.

Una, dapat lahat ng mga aktibidad ng mga kadete ay dapat alam ng pamunuan ng PNPA, pangalawa dapat maagap na umaaksiyon ang PNPA sa mga ginagawang iregularidad ng mga kadete.

Pangatlo, dapat na palakasin ang samahan o fellowship ng mga kadete, at panghuli dapat na laging humihingi ng gabay ang PNPA sa Department of the Interior and Local Government para sa pagpapatupad ng polisiya sa akademya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?