By

PNP: Walang unilateral ceasefire sa NPA

Sharing is caring!

Hindi rin magpapatupad ng unilateral ceasefire ang Philippine National Police ngayong Kapakuhan laban sa New People’s Army.

Ayon kay PNP spokesman, Chief Supt Dionardo Carlos, katulad ng Armed Forces of the Philippines hindi rin nila irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Suspension of Police Operation (SOPO) ngayong holiday season.

Paliwanag ni Carlos, hindi iginagalang ng mga rebeldeng komunsita ang usapang pangkapayapaan dahil patuloy ang kanilang pag-atake sa mga tropa ng pamahalaan.

Kaya tama lamang umano ng desisyong ng pangulo na pormal ng putulin ang peacetalks sa pagitan ng Communist Party of the Philippines, New Peoples Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) gayundin ang pagdeklara sa kanilang bilang mga terorista.

“Ang pulisiya we don’t talk to terror group, kung patuloy na hindi nila i-o-honor, patuloy ang pag atake, might as well we go after them, so far walang intention to issue a SOPO,” sabi ni Carlos. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?