15

Aug 5, 2021 @ 17:13
By

PNP: Walang hulihan sa ECQ checkpoint

Tiniyak ng liderato ng Philippine National Police na walang huhulihin sa mga checkpoint sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Guillermo Eleazar sa press briefing sa Malacañang sa harap na rin ng mga katanungan ng publiko hinggil sa ipapatupad na paghihigpit sa Metro Manila.

“Para doon sa non-APOR, ang gagawin natin, we will just deny them passage doon sa ating checkpoints. Ang ating mga checkpoints ay nasa boundary ng mga cities, so kung lalabas sila doon at ma-check na hindi sila APOR, they will not be allowed to pass,” ani Eleazar.

Pero para aniya sa mga ordinansang may kinalaman sa minimum public health standard, huhulihin pa rin at pagmumultahin subalit hind ikukulong.

“For other violations of protocols like non-adherence to the minimum public health standard, depende na po yan sa mga ordinansa na existing sa mga lugar na yon ang ia-apply natin and most of them, hindi po ikukulong yan. Maaaring magmulta at maaring kunin ang pangalan nila at eventually padalhan sila ng subpoena,” dagdag ni Eleazar.

Pero para sa mga lalabag sa batas trapiko, sinabi ng PNP Chief na nasa disposisyon na ito ng mga otoridad.

“For other offenses related doon like traffic violations at iba pa, yan po ay depende na sa nature of offense nila at puwede silang dalhin sa police station for booking and documentation,” wika pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?