39

Jun 15, 2020 @ 21:43
By

PNP tutulong sa pamimigay ng SAP

Makakaagapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Philippine National Police (PNP) sa ikalawang bugso ng pamamahagi ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, nagpadala na siya ng team na sasailalim sa dalawang araw na orientation tungkol sa SAP distribution.

Ngayong June 15 sinimulan ang kanilang orientation na webinar at matatapos sa June 16.

Mabibigyan ng second tranche ng SAP ang mga beneficiary sa mga sumusunod na lugar: National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon, Benguet, Pangasinan, Iloilo Province, Cebu Province, Bacolod, Davao City, Albay Province at Zamboanga City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?