27

Aug 7, 2021 @ 15:29
By

PNP tutulong sa pamimigay ng ayuda – Eleazar

Nakahanda umanong tumulong ang pulisya sa pamamahagi ng ayuda sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar.

“Handa ang PNP na tumulong sa pagbibigay ng ayuda sa panahon ng ECQ. Bahagi ito ng guidance ng ating DILG Secretary Eduardo Año noon pa sa ating kapulisan na alalayan ang pagbibigay ng cash assistance sa panahon ng hard lockdown,” saad sa statement ni Eleazar nitong Sabado.

Kaugnay nito ay naglabas na raw ng direktiba si Eleazar sa mga pulis na makipagtulungan sa mga LGU para makatulong sa pamamahagi ng ayuda.

Isa rin daw sa layunin ng PNP ay ang huwag hayaang maging super spreader event ang pagbibigay ng tulong-pinansyal

“Our main objective is to avoid cash aid distribution activities turning into super spreader events and we can do that by ensuring that a system is in place and there is an orderly process,” dagdag pa ng PNP chief.

Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), maaaring sa susunod na linggo simulan ang pamamahagi ng ayuda sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?