26

Nov 28, 2020 @ 11:28
By

PNP tutugisin mga illegal logger na namaril ng pulis

Nagkasa ng manhunt si Philippine National Police chief Debold Sinas para mapanagot ang mga illegal logger na nagpaputok sa mga pulis sa Cagayan.

Ayon kay Sinas, papaigtingin ang laban kontra sa iligal na pagputol ng kahoy kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nangyari ang pamamaril Huwebes ng gabi matapos na rumesponde sina Peñablanca Police Station deputy chief PLt. Randy Bacay sa nakitang putol na puno sa Sitio Dalayat sa bayan ng Minanga.

Dito nangyari ang pamamaril kung saan nasugatan si Baccay.

Nahuli ang isang suspek na kinilalang si Ernest Sibbaluca, na dati nang naaresto noong 2019 dahil sa paglabag sa Revised Forestry Code.

Makakasuhan ng direct assault at frustrated murder si Sibbaluca dahil sa pamamaril sa pulisya, ayon kay Peñablanca Police Station chief PCapt. Rohaina Asalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?