49
npa3
Nov 13, 2019 @ 15:25
By

PNP susugurin ang kuta ng NPA – Gamboa

Muling nagpaalala ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa lahat ng police station sa buong bansa na manatiling nakaalerto laban sa pag-atake ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Officer In Charge (OIC) PNP chief PLt Gen. Archie Gamboa, dapat laging nasa offensive mode ang kanilang mga kapulisan.

Giit nito na tuloy-tuloy ang kanilang warning sa lahat ng mga police station na depensan ang mga vital installation.

Dagdag pa nito na hindi na aniya dapat antayin na sumugod pa ang mga NPA bagkus dapat sila ang tinutugis ng mga awtoridad.

“Continuous naman yung aming warning sa kapulisan to defend vital installations especially police stations but if possible also go offensive. Huwag na natin antayin sila pumunta sa atin, tayo ang pumunta sa kanila para tingnan natin kung gaano sila kalakas,” pahayag ni Gamboa sa isang panayam sa Camp Crame.

Ginawa ni Gamboa ang pahayag matapos ang naganap noong Lunes ng hapon sa Borongan, Eastern Samar na pagpapasabog ng NPA ng limang improvised explosive device (IED) na sinundan ng 30 minuto na bakbakan dahilan para mapatay ang anim na sundalo at ikasugat ng mahigit sa 20 iba pa.

Paliwanag ng opisyal na ang estilong ito ng NPA ay isa sa mga paraan ng grupo upang ipakita na malakas pa ang kanilang presensya subalit ang totoo aniya ay mababa na ang bilang mga komunistang grupo base na rin sa assessment ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?