130
father-nilo
By

PNP: Suspek sa pagpatay kay Father Nilo, 5 na

Sharing is caring!

Limang suspek na ngayon ang tinutugis ng Philippine National Police (PNP) na nagtulong-tulong para patayin si Father Richmond Nilo sa Zaragoza, Nueva Ecija kamakailan.

Ayon kay PNP Region 3, Regional Director Police Chief Supt. Amador Corpuz, mula sa dalawang suspek na kanilang natukoy kahapon, limang suspek na ngayon ang kanilang target sa operasyon.

Batay aniya sa CCTV footages na kanilang nalikom, lumalabas na may dalawang suspek na sakay sa get-away car at tatlong suspek ang sakay sa motorsiklo na silang tumungo sa kapilya ni Father Nilo para ito barilin dahilan ng kanyang pagkasawi.

Isa sa mga suspek aniya ay tukoy na nila pero kinukumpirma pa ang pagkakakilanlan nito.

Nakakita rin ang PNP ng tatlong motibo sa pagpatay kay Father Nilo.

Una rito ay ang pagtulong niya sa mga away sa lupa sa Nueva Ecija, pangalawa ay ang pagtulong niya sa mga biktima ng panggagahasa at pangatlo ay ang kanyang paninindigan sa kanyang pananampalataya laban sa mga kritiko.

Siniguro naman ni Corpuz na maaaresto ang mga suspek sa lalong madaling panahon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?