24

By

PNP survey sa violent extremism, insurgency tablado sa UP

Sharing is caring!

Ipinauubaya na ng Philippine National Police sa pamunuan ng Philippine Public Safety College ang pagresolba sa isyu matapos na umalma ang University of the Philippines Manila dahil sa walang maayos na koordinasyon sa kanila sa ginawang pamimigay ng mga pulis na estudyante ng PPSC ng questionnaire tungkol sa violent extremism and insurgency sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. John Bulalacao, ang survey questionnaire ay research project na ginagawa ng mga Public Safety Advance Officers Course students ng National Police College sa ilalim rin ng Philippine Public Safety College ng DILG.

Aniya, bahala na ang PPSC da dapat nilang gawin matapos ang reklamong ito lalo’t estudyante nila ang gumagawa ng research.

Ang PPSC na rin aniya ang bahalang magdesisyon kung dapat bang ihinto ng mga estudyanteng pulis ang kanilang pamimigay ng survey questionnaire sa mga estudyante ng UP Manila.

Batay sa reklamo ng UP Manila Student publication, lahat ng kurso ng unibersidad ay binigyan ng kopya ng questionnaire nang wala man lamang isang nagpakilala para pangunahan ang survey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?