30

By

PNP sinibak ang 2 opisyal sa Isulan, Sultan Kudarat

Sharing is caring!

Tinanggal sa puwesto ni PNP Chief Oscar Albayalde ang mga opisyal ng pulisya sa Sultan Kudarat matapos ang ikalawang insidente ng pagsabog sa bayan ng Isulan sa loob ng limang araw.

Inanunsiyo ni Albayalde ang hakbang kasabay nang pagpapahayag ng pakikiramay sa mga biktima ng pagsabog sa isang internet shop, na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang katao at pagkasugat ng 15 iba pa.

Nangako ang hepe ng pambansang pulisya na bibigyang hustisya ang mga biktima.

Nagtungo pa noong nakaraang Huwebes sa Isulan si Albayalde para personal na alamin ang itinatakbo ng imbestigasyon na nangyari noong Martes ng gabi, na ikinamatay ng tatlong katao at hindi bababa sa 30 ang nasugatan.

Samantala, itinuro ng Philippine Army ang grupo ni Salahuddin Hassan na responsible sa panibagong insidente.

Sinabi ni Army 6th Infantry Division Commander Brigadier General Cirilito Sobejana ang grupo ni Hassan ay kumalas sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Dagdag pa nito, may hinala sila na sa sa kalapit na tatlong bayan nagtatago ang mga responsable sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?