5
pnp7

PNP: Seguridad sa balik-eskuwela, handa na

Sharing is caring!

Ilalatag ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang operational plan sa susunod na linggo.

Kaugnay ito sa pagsisimula ng pasukan sa mga eskuwelahan sa buong bansa sa susunod na buwan.

Sinabi ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, nakahanda na ang mga ilalatag nilang mahigpit na seguridad sa pasukan katulad ng ipinatupad nila sa nakalipas na barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Aniya, alam na nila kung ilan at saan ang critical areas kapag ganitong balik-eskuwela.

“Next week we’ll be coming up with operational plan. We have a template parang election, alam na kung ilan at saan ang critical areas, basically at least two members of PNP uniformed personnel and PADs Police Assistance Desks,” sabi ni Albayalde.

Sinabi pa ng hepe, maglalagay siya ng dalawang pulis sa bawat Police Assistance Desk sa pagsisimula ng School Year 2018-2019.

Samantala, naka-full alert pa rin ang pambansang pulisya hanggang sa pagbubukas ng klase sa susunod na buwan. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?