13

By

PNP sasabak sa evacuation, relief ops sa mga binaha

Sharing is caring!

Nagpakalat ang Philippine National Police (PNP) ng kanilang mga tauhan at gamit sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila para magsagawa ng evacuation at relief operations sa mga apektado ng mga pagbaha bunga ng walang tigil na pag-ulan.

Sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, na maging sa ilang lalawigan ay nagpakalat na sila ng disaster response teams para tulungan ang mga lokal na pamahalaan at lokal na pulisya.

Bukod sa Metro Manila, may mga pagbaha na rin sa Zambalez, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Palawan at ilang bahagi ng Western Visayas.

Ayon kay Albayalde, ipinag-utos din niya ang pagpapasakay sa mga police vehicle sa mga stranded na pasahero, sabay giit na nakahanda sila sa mga kalamidad base sa kanilang Disaster Action Plan.

Pinagana na rin niya ang kanilang Disaster Incident Management Task Force na nakabase sa Camp Crame at ito ay binubuo ng kanilang Special Action Force, Maritime Group, Highway Patrol Group, Police Community Relations Group at Regional Public Safety Battalions.

Aniya, ang mga ito ay inatasan na makipag-ugnayan sa mga local disaster management unit sa posibilidad ng pagpapatupad ng forced evacuations sa mga lugar na lubog na sa baha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?