153

By

PNP sa publiko: Move on na kay Erwin Tulfo

Hinikayat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na mag-move on na sa isyu tungkol kay Erwin Tulfo.

“Definitely, move on na ang lahat sa issue na ito. Ang pinakahuli na lang natin ay renewal na lang ng licenses ni Mr. Erwin Tulfo,” saad ni PNP spokesperson Col. Bernard Banac.

Noong Lunes nang ideklarang persona non grata ng Philippine Military Academy Alumni Association Inc. si Tulfo pero sa kabila nito, sinabi ni Banac na welcome para rin sa Camp Crame ang broadcaster lalo na sa pagproseso ng lisensiya sa kaniyang mga baril na expired na noong Marso 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?