59

Jul 30, 2018 @ 9:48
By

PNP sa 4 na ex-party-list representatives: Sumuko na kayo!

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na walang magaganap na paglabag sa human rights para sa personal na pagsuko ng apat na dating party-list representative na nasasangkot sa kasong murder sakaling ihain na sa kanila ang warrant of arrest.

Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, nakatakdang ihain ang warrant of arrest na inisyu ni Palayan RTC Judge Evelyn Atienza-Turla laban kina National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Liza Maza, dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, dating Bayan Muna Representatives Satur Ocampo at Teddy Casiño.

Dagdag ni Albayalde na wala silang option kundi ipatupad ang ipinag-utos ng korte na isilbi ang mandamiento de aresto laban sa apat na dating kongresista.

Siniguro naman ni PNP Spokesperson S/Supt. Benigno Durana na hindi malalabag ang karapatang pantao ng apat na dating mambabatas sakaling isilbi na sa kanila ang warrant of arrest.

Matatandaang inakusahan sina Ocampo, Casino, Maza at Mariano na nagpapatay kina Danilo Felipe, Carlito Bayudang at Jimmy Peralta nuong 2001 at 2004 na mariing itinanggi ng apat ang akusasyon laban sa kanila.

Ibinaba ng hukuman ang kautusan kaugnay ng alegasyong pagkakasangkot ng apat sa pagdukot at pagpatay sa tatlong tagasuporta ng kalaban nilang Akbayan Party-list, noong 2006.

Bago naging bahagi ng administrasyong Duterte, si Maza ay naging kinatawan ng Gabriela Women’s Party-list, habang si Mariano ay kinatawan naman ng Anakpawis Party-list. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?