184

Oct 30, 2017 @ 13:25

PNP retirees hindi pinababayaan – Bato

Hindi nagustuhan ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa sa pahayag ng ilang PNP retirees na pinababayaan ng kanyang liderato ang mga ito.

Sa natanggap na impormasyon ni General Bato sinasabing nagsumite na siya ng position paper sa Department of Budget and Management ( DBM) at nakalagay doon na hindi kasama ang mga retirees sa mabibigyan ng salary o pension increase para sa susunod na taon.

Paliwanag ni Dela Rosa hindi niya alam kung ito ay general statement ng PNP retirees pero pinabulaanan nya ang impormasyong nagsumite na siya ng position paper.

Hanggang ngayon aniya ay patuloy na pinag-aaralan ng Directorate for Comptrollership at technical working group ang ilalagay sa position paper.

Sabi ni Dela Rosa, gusto lamang ng PNP na magiging kapaki-pakinabang sa lahaty ang kanilang magiging desisyon habang ikinokonsidera rin ang sitwasyon ng DBM na hindi lahat ay kaya nalang bigyan ng dagdag sweldo o dagdag pension.

Dagdag pa ni PNP Chief, hindi niya maaring balewalain ang kapakakanan ng mga retirees dahil sa susunod na taon ay magreretiro na siya sa serbisyo at mapapabilang sa mga PNP retirees. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?