67
PNP: Pinoy suicide bombers, nasa likod ng pagsabog sa Sulu
Jul 1, 2019 @ 14:11
By

PNP: Pinoy suicide bombers, nasa likod ng pagsabog sa Sulu

Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na hindi mga dayuhang suicide bomber ang responsable sa kambal na pagsabog sa military camp sa Sulu na pumatay sa walo katao noong Hunyo 28.

“Alam lang natin, even the Armed Forces of the Philippines, ay alam ang [identity ng] mga ito, and they are not foreign nationals. ‘Yun ang alam natin. Hindi ito mga foreign nationals. As the AFP has already said, [sila] ay talagang suicide bombers,” ani PNP chief General Oscar Albayalde.

Ito umano ang unang pagkakataon na ginamit ang Filipino na suicide bomber, kung totoo ang impormasyon na nakarating sa kanila.

Samantala, hindi pa aniya batid ang bombang ginamit sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?