104

Feb 25, 2021 @ 18:38
By

PNP, PDEA posibleng napaglaruan ng mga sindikato sa ‘misencounter’

Maaaring nalinlang ng mga sindikato ng iligal na droga ang mga pulis at mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsasagawa ng buy-bust na nagresulta sa barilan ng dalawang anti-narcotics team sa Quezon City noong Miyerkoles.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, tinitingnan nila ang lahat ng anggulo na nagresulta sa “misencounter” sa pagitan ng mga miyembro ng PDEA Special Enforcement Unit at District Special Operations Unit ng Quezon City Police District.

Ani Villanueva, masyado pang maaga para sabihing napaglaruan sila ng mga drug syndicate pero posible aniya ito.

“It is too early to say that we were toyed with (by drug syndicates), this is the subject of our investigation. But it is possible that we were toyed with here,” pahayag niya sa isang press briefing kasama si Philippine National Police chief Gen. Debold Sinas sa Camp Crame sa Quezon City nitong Huwebes.

Dagdag niya, may mga kaso na umano dati na na-set up ng mga sindikato ang mga operatiba ng PDEA.

“This is the reason why we are conducting a thorough investigation. We want to find out what went wrong and who could be held liable because there are casualties here,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,