4

By

PNP: Pagtabla sa Senate hearing sa Crame, tama lang

Sharing is caring!

Iginiit ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na naaayon ang naging desisyon nila sa hindi pagpayag na makapagsagawa ng Senate hearing ang committee on social justice, welfare and rural development na pinamumunuan ni Senadora Leila de Lima sa custodial center sa Camp Crame.

Kasunod ito ng pahayag ni De Lima na mali umano ang nakuhang legal advice ni PNP Chief Police Director Gen. Oscar Albayalde at ikinalulungkot niya umano ito.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana, ibinatay ng hepe ang kanyang desisyon base na rin sa payo ng mga abogado ng PNP.

Pero sinabi ni Durana na iginagalang ng PNP ang mga pahayag ni De Lima at sinabing bawat abogado ay may kanya-kanyang interpretasyon sa batas.

Dagdag pa ni Durana, ang korte ang magdedesisyon kung dapat na magsagawa ng Senate hearing sa custodial center dahil wala silang hurisdiksiyon para rito. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?