394

Sep 21, 2021 @ 20:18
By

PNP: Pagpapalaya kay Ongpin utos ng prosecutor

Ipinaliwanag ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ngayong Martes na ang provincial prosecutor’s office ng La Union ang nagdesisyong pakawalan muna si Julian Ongpin, ang person of interest sa pagkamatay ni Bree Jonson.

“Nagdesisyon ang provincial prosecutor’s office na palayain si Ginoong Ongpin habang iniimbestigahan ang kaso,” wia ni Eleazar.

Si Ongpin ay nadakip noong Sabado matapos makita ang walang buhay na katawan ni Jonson sa isang resort room na kanilang nirentahan.

Nagpositibo na rin umano sa cocaine si Ongpin at nakuha din sa kanya ang 12.6 gramo ng nasabing iligal na droga.

Paliwanag ni Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar, pinalaya muna si Ongpin habang hindi pa sinisimulan ang preliminary investigation.

“The inquest prosecutor of La Union deemed it proper to conduct a regular preliminary investigation of the case to give the law enforcers the opportunity to submit additional evidence to further prove the case for possession of dangerous drugs (cocaine) and to investigate further if there was ‘foul play’ which resulted in the death of Bree Jonson,” wia ni Villar.

Samantala, nangako naman si Eleazar na walang pinapaboran sa naturang kaso, lalo pa’t si Ongpin ay mula sa prominenteng pamilya ng mga negosyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?