478
ABANTE pulis police pnp salary sweldo
Feb 3, 2019 @ 17:19
By

PNP: Pagbaba ng bilang ng mga drug-related death patunay na walang EJK

Tinatayang 70% ang ibinaba ng drug-related killings sa Pilipinas noong 2018 kumpara noong 2017, saad ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Senior Superintendent Bernard Banac, PNP spokesperson, bumaba ang bilang ng mga namatay kaugnay sa droga mula sa 956 na kaso noong 2017 hanggang sa 272 kaso noong 2018.

Saad ni Banac, 72 kaso ng kabuuang bilang ng homicide cases ay dahil sa gang habang 55 cases naman ay pinatay upang mapigilan ang pagsisiwalat ng impormasyon.

Samantala ayon sa report 53 ang napatay dahil sa kabiguang maipadala ang mga proceeds ng ilegal na droga; 46 ang napatay dahil sa hindi pagbabayad ng utang; at 30 sa mga kaso ay dahil sa ang biktima ay impormante ng droga.

“Ito lamang ay nagpapatunay na yung mga ibinabatong mga paratang na may extra judicial killings (EJK) sa mga nakaraang taon, walang basehan,” saad ng opisyal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?