270

Oct 27, 2017 @ 9:51

PNP official na sangkot sa Atimonan rubout, balik serbisyo

Kinumpirma ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na nakabalik sa serbisyo si Supt. Hansel Marantan ang opisyal na  nanguna sa nangyaring umano’y rubout sa Atimonan, Quezon noong 2013 na ikinasawi ng 13 katao.

Ayon kay Dela Rosa, naaprobahan ng Appellate Board ng National Police Commission ang apela ni Marantan na makabalik sa serbisyo kaya wala aniyang magagawa ang Philippine National Police kundi sundin ito.

Matatandaang taong 2014  una nang dinismis sa serbsiyo ni dating PNP Chief Alan Purisima si Marantan dahil sa umano’y rubout sa Atimonan.

Dagdag pa ni PNP Chief  ang PNP Directorate for Personnel Records and Management o DPRM ang nakakaalam ngayon kung saang unit itinalaga si Marantan.

Sa panayam naman kay PNP Highway Patrol Group Chief Police Chief Supt Arnel Escobal  kinumpirma nitong itatalaga sa kanilang tanggapan si Marantan. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?