47

Oct 20, 2020 @ 9:45
By

PNP official na kasali sa chopper crash dedo

Pumanaw na si Major General Jovic Ramos, isa sa mga naaksidente sa Bell 429 Helicopter kasama ang iba pang opisyal ng pulisya noong Marso 5 San Pedro, Laguna.

Kinumpirma ito ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Ysmael Yu ngayong Martes, Oktubre 20.

Kritikal ang lagay ng PNP comptroller chief matapos magtamo ng pinakamalubhang mga sugat sa 7 sakay ng chopper.

Na-resuscitate siya Marso 7 at bumuti ang kondisyon habang nasa Asian Hospital sa Muntinlupa City, ayon kay PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa, pero matapos ang higit pitong buwang paglaban ay namatay na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?