523

By

PNP official itinumba ng ‘riding’

Sharing is caring!

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) habang sakay ng kanyang kotseng Avanza Toyota, na minamaneho ng kanyang misis kagabi sa Quezon City.

Kinilala ni P/Chief Insp. Elmer Monsalve, hepe ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) , ang biktima na si P/Insp. Romeo Nicolas Tandas, 49, nakatalaga sa District Tactical Operation Unit.

Naisugod pa sa Diliman Hospital si Tandas subalit idineklara siyang dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Gretchen Panganiban sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang pinalad namang nakaligtas ang maybahay na si Marissa.

Sinundo umano ang nasabing opisyal sa Camp Karingal ng kanyang kanyang misis na si Marissa Opiniado at habang sakay ng asul na sasakyan (UF 5745) at binabaybay ang kahabaan ng University Lane sa Brgy. UP Diliman ay bigla na lamang sumulpot ang riding in tandem na sakay ng itim na motorsiklo sa kanang bahagi sa unahan ng sasakyan at niratrat ang target na pulis.

Masusi nang pinaiimbestigahan ni QCPD Director, P/Chief Supt Joselito Esquivel Jr., ang naganap na pananambang kung may kinalaman ito sa trabaho ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?