46

Jun 24, 2020 @ 20:15

PNP natapyasan sa sagupaan kontra NPA

Patay ang isang pulis habang sugatan naman ang tatlong iba pa sa naganap na engkwentro laban sa tinatayang 15 miyembro ng New Peoples Army (NPA) Miyerkules ng madaling araw sa Jovellar, Albay.

Kinilala ang nasawing pulis na si Patrolman Emerson Belmonte. Sugatan naman ang kasama nitong sina Police Corporal Marlon Beltran, Patrolman Roy Resurrecion at Patrolman John Mark Paz, pawang nakatalaga sa Albay 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC).

Samantala inalaam pa kung may nasawi o sugatan sa panig ng mga NPA na mabilis na nagsitakas matapos ang sagupaan.

Sa ulat na ipinadala ni Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 5, naganap ang engkwentro alas-5:00 ng madaling-araw sa Barangay San Isidro ng nabanggit na bayan.

Nagsasagawa ng police operation ang mga tauhan ng Albay 1st PMFC sa lugar nang makasagupa ng mga ito ang tinatayang 15 miyembro ng NPA. (Edwin Balasa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?