5

PNP nangharana, namigay ng bulaklak sa mga pasahero ng MRT

Sharing is caring!

Inawitan ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) at binigyan pa ng mga rosas ang mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nitong Valentine’s Day.

Tinaguri itong ‘Katok ng Pagbabago Mula sa Puso’ ng mga tauhan ng Police Community Relations Group (PCRG) at Quezon City Police District, na nagpakita ng kanilang ‘soft side’ sa espesyal na okasyon ngayon.

Ayon kay PCRG deputy director Police Sr. Supt. Bartolome Bustamante, isa itong pamamaraan para mapalapit ang kapulisan sa mamamayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?