162

By

PNP nakabantay na kay Trillanes para arestuhin

Sharing is caring!

Naka-monitor na umano ang Philippine National Police (PNP) sa kinaroroonan ni Senador Antonio Trillanes IV habang hinihintay ang warrant of arrest laban dito para sa kasong libelo.

Sa panayam kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Director Guillermo Eleazar sa dzbb, sinabi nitong hindi pa nila natatanggap ang kopya ng warrant laban sa senador na nanggaling sa Davao.

Kaugnay ito ng isinampang libel case ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte laban sa mambabatas.

Ayon sa hepe, nagpahayag naman umano si Trillanes na kusang-loob itong susuko at haharap sa korte.

Naniniwala naman si Eleazar na hindi matutuloy si Trillanes sa pagbiyahe nito abroad sa Disyembre 11 sakaling hindi ito magpiyansa.

Ang kasong libelo na isinampa ng presidential son laban kay Trillanes ay nag-ugat sa alegasyon ng senador na may kaugnayan ang una sa smuggling ng bilyong halaga ng shabu.

Samantala, ipinag-utos naman ni judge Melinda Alconcel-Dayanghirang ng Davao City Regional Trial Court Branch 54 ang pag-aresto kay Trillanes kung saan itinakda ang piyansa nito sa P24,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?