60

Oct 30, 2017 @ 13:11

PNP naka-heightened alert sa Undas

Itinaas na sa full alert status ang lahat ng Philippine National Police Regional Offices ito ay upang tutukan ang pagbibigay ng seguridad kaugnay sa paggunita ng Undas.

Ang pahayag na ito ay ang inanunsyo ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa isinagawang flag raising ceremony sa Camp Crame Quezon City.

Habang inilagay sa heightened alert status na ang Philippine National Police Headquarters.

Ibig sabihin nito, 50 porsiyento sa mga pulis na nakatalaga sa PNP Headquarters ay nakaalerto, at idedeploy para magbigay seguridad.

Pero paalala ni Dela Rosa sa mga pulis na hindi naka-duty ngayong Undas na laging tatandaan ang sinumpaan sa bayan na ang pagiging pulis ay 24 oras.

Aniya, naka-duty man o hindi kung kinakailangang rumesponde ay dapat itong gawin bilang pulis.

Nagbigay rin ng paalala si PNP chief sa mga pulis na i-secure din ang kanilang bahay ngayong Undas dahil nakakahiya raw kung bahay ng isang pulis ang mabibiktima ng Akyat Bahay gang.(Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?