110

Nov 6, 2017 @ 16:07
By

PNP, naka-full alert para sa ASEAN Summit

Magtataas ng alerto ang Philippine National Police para sa gaganaping Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit sa bansa ngayong buwan.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, mula November 8 hanggang November 15 ay naka-full alert ang buong hanay ng pambansang pulisya.

Ia-activate din nila ang kanilang Reserved Standby Security Force sa National Headquarters para magsilbing augmentation force sa ASEAN Task Force.

“Imbes na ang ipadala ay 1,200, ang kaya lang ipadala ay 300 sa ASEANTF, nabawasan. Kung magkulang na iyan ating i-fill up from RSSF,” sabi ni Dela Rosa.

Maliban sa RSSF, magpapadala rin ang bawat Regional Police Office ng tig-300 tauhan para tumulong sa pagpapatupad ng seguridad sa gaganaping ASEAN Summit.

Sa ngayon ay walang na-monitor na anumang banta sa seguridad ang PNP para sa gaganaping malaking aktibidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?