By

PNP nahaluan ng mga kriminal – Duterte

Sharing is caring!

Nalagyan umano ng mga kriminal ang hanay ng Philippine National Police (PNP) kaya maraming problemang kinasasangkutan ang mga pulis at ang iba ay sangkot sa illegal drug trade.

Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdalo sa ika-120 anibersaryo ng Philippine Navy sa Coconut Palace, Roxas Boulevard, Manila.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na nagkulang ang PNP sa background check at maging sa protocol sa pagpasok sa pagka-pulis kaya nakalusot ang ilang kriminal na nagmaniobra ng kanilang requirements.

Ayon sa Presidente, hanggang ngayon ay maraming problema sa mga pulis kaya sinisikap na maituwid ito, at pinag-iisipang ibalik ang mas mahigpit na pagsasanay para sa PNP.

“Nagkulang tayo doon sa background check and even the matter of the protocol of joining the police. Marami diyan mga salbahe na who are really criminal who maneuvered somehow to get into the service and some of them sadly are into drugs,” anang Pangulo.

Dahil dito muling pinaalalahanan ng Presidente ang mga pulis na kapag hindi tumigil sa kalokohan partikular sa iligal na droga ay uunahin niya ang mga ito.

“May I just remind everybody, including most of all the policemen, I am just warning them, if you are into it, you will be the first to go. Kayo talaga ang uunahin ko. And it is no surprise that you are also falling down one by one,” dagdag pa ng Presidente.

Binalaan din ng Pangulo ang mga alkalde at barangay captains na tumigil na sa kanilang illegal drug activities dahil hindi niya babawiin o ititigil ang kanyang kampanya kontra droga hanggang sa matapos ang kanyang termino.

“And the mayors and the barangay captains it’s a policy which I cannot renege or even moved a little backwards. Drugs will destroy the nation and the drug war will include the police and the military,” pahayag pa ni Pangulong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?