54

By

PNP nagsumite na sa SC ng drug war records – Albayalde

Sharing is caring!

Ginarantiyahan ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na kanilang isusumite ang lahat ng rekord at police report ukol sa mga napatay sa drug war na hinihingi ng Korte Suprema.

Sa katunayan, naisumite na umano ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) sa Office of the Solicitor General (OSG) ang halos lahat ng police report ukol sa sinasabing 3,000 hanggang 4,000 napatay sa police operations mula Huyo 1, 2016 hanggang Nobyembre 30, 2017.

Maibibigay umano ang kulang sa loob ng isang buwan.

Hinihingi ng Korte Suprema ang police reports para sa mga napatay sa drug war dahil may petisyon na ipatigil at ipadeklarang unconstitutional ang Oplan Double Barrel o Oplan Tokhang ng PNP kung saan sinasabing halos 4,000 ang napatay na drug suspect.

Binigyan ang OSG ng hanggang Abril 26 para isumite ang police reports pero umapela na bigyan ito ng hanggang Hunyo 25.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?