55

By

PNP nagpasaklolo sa publiko vs Peter Lim

Hiniling ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang tulong ng publiko para matunton ang pinagtataguan ng suspected drug lord na si Peter Lim.

Kasunod ito ng inisyung warrant of arrest ng Makati Regional Trial Court laban sa suspected drug lord kaugnay sa kanyang illegal drug trade operations sa Visayas.

Sa ginanap na press briefing sa Malacañang, sinabi ni PNP Spokesman Sr. Supt. Benigno Durana, Jr., na mayroong tracker team na naghahanap kay Lim, subalit kailangan ang tulong ng publiko para maituro ang kinaroroonan nito.

Sinabi naman ni NBI Spokesman Deputy Director Ferdinand Lavin na inatasan na ang lahat ng regional directors at district directors ng ahensiya, kasama na ang mga operating divisions sa Metro Manila para hantingin si Lim.

Sinabi ng dalawang opisyal na nasa bansa pa ang suspected drug lord dahil wala pa silang impormasyon na nakalabas na ito ng Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?