13
pnp
By

PNP nagpasaklolo sa publiko sa sunod-sunod na pagpatay

Sharing is caring!

Humihingi ng tulong ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko para maresolba ang magkakasunod na pagpatay sa local officials.

Sinabi ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, umaapela siya ng tulong sa mga may impormasyon kaugnay sa naganap na mga krimen na makipagtulungan sa imbestigasyon para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng local chief executives.

Sa kasalukuyan mahigpit na ipinag-utos na rin ni Albayalde sa binuong Special Investigation Task Groups na magpusirge sa imbestigasyon para may matukoy nang suspek at mapanagot.

Nitong Sabado huling nasawi sa pamamaril ang bise alkalde ng Trece Martires, Cavite na si Alexander Lubigan kasama ang bodyguard nitong si Romulo Guillerme.

Hulyo 3 naman nang pinagbabaril sa Cabanatuan City, Nueva Ecija si General Tinio Mayor Ferdinand Bote.

Itinumba naman noong Hulyo 2 si Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili ngunit hanggang ngayon ay wala pang natutukoy at naaarestong suspek sa pagpatay sa mga ito. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?