61

Mar 19, 2020 @ 18:07
By

PNP nagbalasa ng mga tauhan

Sa gitna ng banta ng coronavirus disease ay nagkaroon ng balasahan ng mga opisyal sa Philippine National Police (PNP) kung saan siyam na opisyal ang itinalaga sa kani-kanilang mga bagong puwesto.

Simula nitong Huwebes ay epektibo na ang nasabing reshuffle kung saan si Police Brig. General Robert Tiron Rodriguez ay mapupunta bilang Deputy Director for Personnel and Records Management ng PNP.

Hinirang na bagong Manila Police District (MPD) Director si Police Brig. General Rolando Fernandez Miranda habang si dating MPD Director Police Brig. General Bernabe Mendoza Balba naman ay malilIpat bilang acting Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 8.

Si Police Brig. General Ferdinand Orcales Divina ay mapupunta bilang acting Director for Intelligence habang si Police Col. Belli Bagaas Tamayo ay ang bagong designated bilang acting Executive officer, Directorate for Personnel and Records Management.

Si Police Brig. General Alexander Jadoc Sampaga naman ang bagong Director ng Headquarters Support Group habang si Police Brig. General Manuel Manalo Abu naman ay ang bagong Regional Director ng Bangsamoro Autonomous Region (BARMM).

Si Police Brig General Marni Caluya Marcos na dating Regional Director ng BARMM ay mapupunta bilang acting Director for Comprtollership, habang si Police Col. Patrick Toledo Villacorte naman ay nailagay bilang acting deputy Regional Director for administration ng Police Regional Office (PRO) 6.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?