88
views

By

PNP: Naarestong suspek sa pagpatay kay Mayor Bote, 2 na

Sharing is caring!

Hawak na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang suspek sa kaso ng pagpatay kay Mayor Ferdinand Bote ng Gen. Tinio, Nueva Ecija.

Maliban kay Florencio Suarez, suspek na rin ang kasamahan nito na si Robert Gumacay.

Ayon kay PNP Region 5 Regional Director Police Chief Supt. Arnel Escobal, ang Criminal Investigastion and Detection Group ang nagkumpirma na kapwa suspek na sa krimen sina Suarez at Gumacay.

Kanina ay ibiniyahe na ang dalawa sa Camarines Sur Police Provincial Office upang makunan ng mug shot at physical examination.

Nadakip ang dalawa kaninang umaga sa isang PNP checkpoint sa Andaya National Highway, Barangay Cabasag, Del Gallego, CamSur.

Sakay ang mga ito ng Toyota Avanza, na kulay beige at may lost plate number na PGQ 134.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?