98

Jan 1, 2018 @ 9:41
By

PNP modernization iginiit kasunod ng Mandaluyong shooting

Kailangan nang ipasa ang Philippine National Police Modernization Bill.

Ayon kay Abra Rep. Joseph Bernos, vice chairman ng House committee on public order and safety, ito’y para mapalakas ang training ng pulisya sa pagtugon sa mga insidenteng gaya ng nangyari sa Mandaluyong City kung saan maling sasakyan ang pinaputukan ng mga rumespondeng pulis.

“The police are inadequately equipped in fixing incidents like this. There should be a clear line of communication where the right questions are provided with the correct answers that inform the police of the real situation,” ani Bernos.

Kabilang sa nilalaman ng substitute bill para sa PNP modernization ay ang paglilipat ng pagsasanay ng police cadets sa Philippine National Police Academy mula sa Philippine Public Safety College.

Binigyang-diin rin ng kongresista ang papel ng komunidad sa pag-uulat ng mga insidente.

Sabi ni Bernos, importante ang tamang impormasyon sa mga kritikal na sitwasyon.

“Quick response does not necessarily mean effective and efficient action, and our police and the community must have a sound mind and body to focus on the vital information of their cases,” paliwanag ng mambabatas. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?