20

Jul 20, 2021 @ 11:03
By

PNP mobile car nagsilbing paanakan

Pinuri ni Philippine National Police chief Guillermo Eleazar ang isang pulis sa Ormoc City, Leyte dahil sa pagtulong nito sa isang ginang na manganak.

Hindi nagdalawang-isip si Pat. Rossane Terrol na tumulong sa panganganak ni Leonisa Mabulay.

Humingi umano ng tulong ang mitser ni Leonisa sa Ormoc Police Station 3 dahil malapit nang manganak ang kanyang misis.

Doon isinakay sa mobile car si Leonisa, ngunit habang papuntang ospital ay inabutan na ito ng panganganak.

Umalalay naman si Terrol para masigurong ligtas ang panganganak ng ginang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?